Pumalo na sa mahigit 200,000 na mga ikinulong na iligal migrants sa US-Mexico border nitong Hulyo.
Ayon sa US government na ito ang kauna-unahang naabot ang nasabing bilang matapos ang 21 taon.
Sa kabuuang 212,672 na migrants na naaresto ng US Customs and Border Protection (CBP) ay nasa mahigit 19,000 na mga menor-de-edad na walang anumang kasamang nasa hustong edad.
Noong Hulyo lamang ay tumaas ng 13% mula noong Hunyo ang bilang ng mga mga ikinulong ng US border control na mayroong kabuuang bilang na 188,000.
Itinuturing ni US Homeland Security Secretary Alejandro Mayorkas na ang bilang ng mga naarestong migrant ay isang malaking hamon ng US.
Karamihang mga migrants ay galing sa Guatemala, El Salvador at Honduras na tumatawid sa US para magkaroon umano ng magandang pamumuhay.