-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naitala na sa Benguet ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) partikular sa bayan ng Itogon sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay Mayor Victorio Palangdan, nadagdagan ng 149 ang positibong kaso kahapon habang siyam ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling.

Aniya, nagpositibo sa sakit ang mga empleyado ng Benguet Corporation at close contacts ng mga ito.

Dahil dito, aabot na sa 512 ang kaso ng COVID-19 sa Itogon.

Nananatili namang lockdown sa ilang lugar gaya ng Purok II, Supang, Suyo, Beda, at Lucbuban sa Barangay Pobliacion; Letbek, Anuvang, at Bagueng sa Barangay Tinongdan; Acupan, Balatoc sa Barangay Virac at ang Barangay Ampucao.

Samantala, itinuturing na ng Department of Health bilang “critical epidemic-risk” areas ang mga minahan sa Itogon gayundin sa bayan ng Tuba, Benguet.

Ito’y dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng deadly COVID-19.