-- Advertisements --

Welcome umano sa ilang grupo ng mga minero ang nominasyon kay disaster resilience expert Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pero mayroon namang reservations angmga anti-mining advocacy group.

Sa isang statement, sinabi ni Chamber of Mines of the Philippines (COMP) chairman Michael Toledo looking forward daw ang kanilang grupong kinabibilangan ng mga large-scale metallic minerals development companies na makatrabaho si Yulo-Loyzaga.

Ito ay para matugunan ang panawagan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalanse ang economic development at environmental protection sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Handa raw sila para makipagtrabaho si Sec. Yulo-Loyzaga sa kanilang mga adbokasiya partikular sa disaster risk reduction and response, sustainable development goals at climate change protection.

Para naman kay Alyansa Tigil Mina (ATM) national coordinator Jaybee Garganera, “cautiously optimistic” naman daw sila sa nomination para sa new Environment chief.

Sinabi ni Garganera na sigurado umanong gagamitin ni Yulo-Loyazaga ang kanyang karanasan bilang executive director ng Manila Observatory, kabilang na rito ang paggamit at pag-rely sa science-based analysis sakaling magdesisyon sa mga environmental policies at practices sa DENR.

Kahapon nang ianunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang nominasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos kay Yulo-Loyzaga bilang DENR chief.

Pero subject pa rin ito sa fulfilment ng mga required na documents.

Siya ay chairperson ng International Advisory Board ng Manila Observatory at nangampanya ito para sa scientific research sa climate at disaster resilience.