-- Advertisements --

Naglabas ng bagong ordinansa ang Quezon City government na nagbabawal sa mga menor-de-edad sa mga pampublikong lugar.

Inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No.SP-2985,S-2020 o ang “Quezon City Special protection of Children against Covid-19.”

Sa nasabing ordinansa ang mga bata below 18-years old ay hindi pa pwedeng lumabas ng bahay.

QC covid residents market 1

Sinabi ni Belmonte ang nasabing Ordinansa ay batay sa rekomendasyon ng mga dalubhasa sa Philippine Pediatric Society na kailangang manatili ang mga menor-de-edad sa tahanan dahil malaki ang tiyansa na sila ay mahawa ng nakamamatay na virus.

Sinabi ni Belmonte ang nasabing kautusan ay para na rin sa kapakanan ng mga kabataan.

Ayon sa alkalde ang kabilang sa public places ang mga streets, highway, sidewalks, parking lots, vacant lots, churches, apartment, buildings, office buildings, hospitals, schools, malls or shopping centers, commercial establishments at places of entertainment.

May exemption din sa nasabing ordinansa, ang mga bata na kailangan ng medical/dental attention dapat kasama ang mga magulang.

Ang mga magulang o guardians ng mga minor na mahuhuling lumalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P300, P500, P1000 para sa first, second and third offense.

Ang mahuhuling menor-de-edad ay i-turn over sa Barangay Council for the protection of Children kung saan isasailalim sila sa counselling bago i-turn-over sa mga magulang o guardian.

Pagmumultahin din ang mga may-ari, propietors and managerss ng mga malls, shopping centers, commercial establishments, places of entertainment gaya ng mga sinehan.

Bukod sa penalty kakanselahin din ang kanilang business permit /license and closure of establishments.

“Ang Ordinansang ito ay batay sa rekomendasyon ng mga dalubhasa sa Philippine Pediatric Society na kailangang manatili ang mga menor-de-edad sa mga tahanan dahil malaki ang tsansa na sila’y mahawa,” ani Mayor Belmonte. “Ang kautusang ito ay para na rin sa kapakanan ng ating mga kabataan upang hindi na malagay sa panganib ang kanilang buhay.”