Pinapayagan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga menor de edad na makalabas at makapunta sa malls kapag kasama ang kanilang mga magulang.
Ayon kay Secretary Eduardo Año, ang nasabing kautusan ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng mga mayors sa lugar kung saan nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Nauna nang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim muli sa GCQ simula ngayong araw hanggang Disyembre 31, 2020 ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Davao City habang modified general community quarantine (MGCQ) naman sa mga hindi nabanggit na lugar.
Muli rin namang binigyang diin ng kalihim na hindi pa rin papayagan ang mga Christmas parties, Christmas caroling at mga mass gathering.
“Katulad ng sinabi ni Sec Duque, immediate family na lang sana ang mag-celebrate ng Chrismas together,” ani Sec. Año sa IATF meeting kasama si Duterte. “Para na rin sa kapaskuhan puwede na gradual expansion sa mga age groups para makalabas ang mga minors basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas makapunta sa mga malls. Pagtitibayin ito sa mga ordinansa ng ating mga NCR mayor sa lugar po ng GCQ.”