-- Advertisements --

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy at hindi mapapatid ang ginagawang mga misyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad sa ginanap na pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Sa kabila ito ng ginagawang mga panggigipit ng mga tauhan ng China coast guard sa ating mga kababayang mangingisda sa west philippine sea at maging ng namataan presensya ng mga samu’t saring mga barko ng China sa naturang pinag-aagawang teritoryo ng pilipinas.

Kamakailan lang kasi ay naglabas rin ng statement ang china coast guard na nagsasabing mayroon umano itong temporary special arrangement sa pilipinas na nagpapahintulot umano sa mga tropa ng ating militar na magsagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Kasunod nito ay muling iginiit ng opisyal na hindi kailangang humingi ng permiso ng Pilipinas sa alinmang bansa dahil ito ay bahagi ng teritoryo ng pilipinas.

Una nang iniulat ni commo. Trinidad na batay sa kanilang naging monitoring ay may namataan itong presensya ng sangkaterbang mga barko ng China sa ilang bahagi ng west philippine sea na kinabibilangan ng 15-25 chinese warship, 10 hanggang 15 china coast guard vessels, at 200 chinese maritime militia vessels sa paligid ng mischief reef malapit Ayungin Shoal.

Bagay na hindi naman ikinababahala ngayon ng AFP sa kadahilanang sapat aniya ang mga naval asset ng pamahalaan para magpatrolya at igiit ang soberanya ng ating bansa sa naturang pinag-aagawang teritoryo.

Kasabay nito ay ipinaliwanag din niya na nananatiling sapat ang naval asset ng pamahalaan para magbantay at magpatrolya sa nasasakupang teritoryo ng Pilipinas sa WPS.