Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) na maaaring makapag-avail ang kanilang mga miyembro at pensioners sa Calapan city at limang bayan sa Oriental Mindoro na apektdo ng malawakang oil spill bunsod ng lumubog na motor tanker na MT Princess Empress.
Ayon kay GSIS president at general manager Wick Velasco , naglaan ito ng P193.92 million emergency loan para sa 7,714 ktibong miyembro, matatanda at pensioners with disability sa Calapan city gayundin sa mga baya ng Baco, San Teodoro, Soccoro at Victoria.
Ang mga interesadong miyembro at pensioners ay maaring mag-apply para sa emergency loan hanggang sa Mayo 17.
Ang mga kwalipikadong miyembro ay kailangang nasa active service at walang leave of absence without pay, mayroong tatlong buwang paid premiums sa loob ng nakalipas na anim na buwan bago ang aplikasyon, walang nakabinbing kasong administratibo at kriminal, walang due at demandable loan at mayroong take-home pay na hindi mas mababa sa P5,000 matapos mabawas ang lahat ng buwanang obligasyon.
Para naman sa mga pensioner, maaaring magapply para sa emergency loan kapag ang kanilang buwanang take-home pension matapos na mag-avail ng loan ay nasa 25% ng kanilang basic monthly pension.
Ang mga may existing emergency loan balance naman ay maaari pa ring humiram ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang naunang emergency loan balanace at maaari pa ring makatanggap ng maximum net amount na P20,000.
Habang ang mga pensioner naman na walang existing emergency loan ay maaaring makahiram ng hanggang P20,000 loan.
Maaaring bayaran ang emergency loan sa loob ng tatlong taon o 36 na monthly installments at may interest rate na 6% per annum.