-- Advertisements --
Mahigpit na binaalan ng US Navy ang kanilang mga personnel na sila ay tatanggalin sa puwesto kapag tumangging magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Sa inilabas na kalatas ng US Navy na dahil sa naging mandatory na ang pagpapabakuna sa mga military members ay hindi sila magdadalawang isip na magtanggal ng tao sa mga ayaw magpaturok nito.
Mula pa aniya noong Agosto ay naging mandatory na ang pagpapabakuna sa mga military members.
Umaabot na kasi sa 98 percent ng kanilang 350,000 na aktibong duty members ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.