Magpupulong ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa coast guard and maritime law enforcement forum sa Davao City mula June 5 hanggang 8 ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isang statement, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo saklaw sa idaraos na forum ang pagpapatibay ng kooperasyon ng mga ASEAN member para sa regional security at pagprotekta ng marine resources sa West Philippine Sea.
Tatalakayin din sa ASEAN countries ang kanilang kooperasyon laban sa drug trafficking, human smuggling, illegal fishing, piracy at pagpasok ng mga weapon sa rehiyon.
Sinabi din ni Balilo na bilang host ng ASEAN coast guard forum, nakahanda ang Coast Guard District Southeastern Mindanao para i-secure ang event.
Sa ngayon, nasa Davao port na ang BRP Gabriela Silang kasama ang PCG personnel mula sa Coast Guard Special Operations Force at Coast Guard K9 Force.
Naka-standby na rin ang PCG quick response teams para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng makikibahagi sa mga aktibidad mula sa PH, Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Laos, Cambodia, Myanmar, Vietnam, at Thailand