-- Advertisements --
Sinampahan ng kasong terorismo ang 24 katao sa Ethiopia kabilang na ang ilang mga prominenteng miyembro ng oposisyon.
Ang nasabing hakbang ay konektado sa sunod-sunod na karahasang nangyari matapos ang pagpatay sa kilalang Oromo singer na si Hachalu Hundessa, kung saan mahigit 150 katao ang nasawi noong Hunyo.
Ayon sa attorney general ng bansa, haharap sa korte ang mga akusado sa darating na Lunes.
Inaakusahan ng mga kritiko si Prime Minister Abiy Ahmed na pinapakulong daw nito ang sinumang kumontra sa kanyang pamamalakad.
Pero tugon ni Abiy, ang mga kumokontra sa isinusulong niyang mga reporma ay inaani ang bunga ng nararanasan nilang pagkakawatak-watak at galit. (BBC)