Sa unang pagkakataon, bumaba mula sa kanilang komunidad sa bundok ang mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. upang mag boluntaryo sa bloodletting program ng lokal na pamahalaan.
Ito ay pinangunahan ng kanilang bagong OIC na si Johanne Lasala.
Ayon kay Lasala, gusto nilang tumulong para sa oras na sila naman ang mangailangan ay makakakuha rin sila ng parehong serbisyo.
Nitong Oktubre, sinisi ng ilang dating miyembro ng grupo ang dating pangulo ng SBSI na si Jey Rence Quilario o “Senior Agila,” sa pagkamatay ng kanilang sanggol, matapos silang pigilan umano na humingi ng medikal na atensyon.
Sinabi rin nila na hindi rin pinapayagan ang mga bakuna.
Gayunpaman, matapos makulong si Quilario noong Nobyembre ng nakaraang taon, nakipag-ugnayan ang SBSI sa lokal na pamahalaan para sa mga serbisyong medikal.
Ilang miyembro na rin ng SBSI ang bumama sa kanilang mga sitio para manirahan sa Socorro
Nilinaw ng SBSI na bukas sila sa pakikinig sa mga rekomendasyon ng mga pambansang ahensya matapos magsagawa ng imbestigasyon ang Senado.
Umaasa sila na isasaalang-alang ng gobyerno ang pagpapatira sa kanila sa bundok.
Ilang national agencies ang nakatakdang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap sa susunod na linggo kung paano planuhin ang programa ng reintegration ng gobyerno para sa SBSI.