Arestado ng mga tauhan ng CIDG Regional Field Unit 9 ang leader at isang myembro ng notoryus na Warla Kidnapping Group sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention ay inaresto ng mga tauhan ng CIDG ang leader ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben”.
May kaugnayan pa ito sa kinasangkutan ng grupo sa kasong pagdukot sa mga foreign national kung saan isang Taiwanese national ang kanilang biktima na nasagip ng mga otoridad noong Setyembre 2022 sa Paranaque na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng lima nilang myembro ng naturang grupo.
Ayon sa CIDG, ang Warla Group ay binubuo ng mga magagandang transgender women na nagooperate sa Southern part ng Metro Manila na nandudukot ng kanilang mga nakaka-date na kadalasan ay empleyado ng POGO at mga negosyante.
hinihingan umano ng mga suspek ng pera ang pamilya at kaibigan ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito na ginagamit naman nila sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”.