-- Advertisements --
Nilinaw na Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas ang mga dumating na COVID-19 vaccine na gawa ng Moderna.
Kasunod ito sa pagtigil ng Japan sa paggamit ng nasabing mga bakuna matapos na makitaan na kontaminado ang ilang mga vials.
Ayon kay FDA chief Eric Domingo na ang mga batch na dinala sa bansa ay hindi kabilang sa ipinadala rin sa Tokyo.
Iginiit nito na hindi nila ititigil ang nasabing paggamit ng nabanggit na bakuna.
Magugunitang itinigil ng Japan ang paggamit ng nasa 1.63 milyon doses ng Moderna matapos na makitaan umano ng mga metal particles.