-- Advertisements --

Tinanggal ang lahat ng mga monghe sa isang Buddist temple sa Thailand matapos na sila ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Base sa imbesitgasyon ng mga otoridad na unang nadiskubre na apat na monghe ang nagpositibo sa paggamit ng methamphetamine kasama na ang pinuno ng templo sa Bung Sam Phan District sa Phetchabun.

Dinala ang mga nagpositibo sa drug rehabilitation center.

Dahil sa pangyayari ay magpapadala ang ibang templo ng mga monghe para may mangasiwa sa nabakanteng templo.