-- Advertisements --

Naghahanda na ang motorcycle taxi na Angkas para sa kanilang pagbabalik pasada.

Ito ay matapos na binabalangkas na ng Inter Agency Task Force on Infectious Disease ang pagbabalik pasada nila.

Ilan sa mga panukala ay ang pagdadala na ng sariling helmet ng mga pasahero at ang pagsasagawa ng cashless payments.

Umaasa naman ng mga riders na agad na maaprubahan na ang kanilang pagbabalik pasada.

Magugunitang mula ng nagsimula ang coronavirus pandemic ay nahinto ang pagpapasada ng nasabing mga motor taxi.