-- Advertisements --

Binigyan ng kapangyarihan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang ibat ibang motorcycle rider organizations para sumita sa mga pasaway na motorista.

Ito’y kasunod sa inilunsad na programa ng HPG na “Disiplinadong Driver Campaign.”

Nasa 20 rider clubs ang pinulong ng HPG ang mga ito para hingin ang kanilang tulong sa kampanya laban sa mga walang disiplina sa kalye.

Kasama na rito ang mga rider na hindi nagsusuot ng helmet, mga motorista na hindi marunong magparada ng tama, mga reckless driver at iba pa.

Ayon kay PNP-HPG director, C/Supt. Arnel Escobal, hinikayat din nila ang mga motor riders na agad ireport sa HPG hotline kung may makitang krimen.

Nilinaw ni Escobal na hindi nila bibigyan ng ID ang mga piniling rider bagkus ay lalagyan ng logo ng HPG ang kanilang mga vest.

Ginawa rin ng HPG ang programa dahil bukod sa kakulangan ng mga tauhan, patuloy na lumalaki ang populasyon ng mga naka motorsiklo.