-- Advertisements --
Handang tanggapin ng mga motorcyle taxi operators ang mga pagbabagong ipapatupad kapag sila ay payagan ng makabalik sa pamamasada.
Ito ay matapos na nai-indorso na ni ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa House committee on transportation para sa pagbabalik sa kalsada ng mga motorcycle taxis.
Sinabi ni George Royeca, ang chief transport advocate ng Angkas, na agad nilang ipapa-swab test ang 30,000 na riders nila.
Ilan sa mga pagbabago na asahan ay ang pagkakaroon na ng cashless payment, pagkakaraoon ng barrier at dapat magdala ng sariling helmet ang mga pasahero.