-- Advertisements --

Hindi nakikita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na direktang kakumpetisya ng traditional public utility vehicles ang mga motorcycle taxis.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na hindi makakaapekto ang mga motorcycle taxis sa kita ng mga pampasaherong jeeps.

Magkaiba ang target na mga pasahero ng motorcycle taxis at mga tradisyonal na PUV.

Dagdag pa nito na ang mga tradisyonal na mga jeepneys ay nag-ooperate sa mga terminals.

Magugunitang inireklamo ng ilang jeepney operators ang paglipana ng mga motor taxis dahil nawawalan na ang mga ito ng pasahero.