Nagdulot ng perwisyo sa mga motorista ang pagsabog ng water valve ng Maynilad sa Sta. Mesa, Manila, kaninang umaga.
Maging ang mga residente ng Ramon Magsaysay ay apektado dahil pansamantala silang mawawalan ng tubig ngayong araw.
Pero sa kabila ng mistulang pagbaha sa lugar ay marami pa ring nagtangkang tumawid at ang iba ay tumirik pa ang kanilang mga sasakyan.
Wala pa namang opisyal na pahayag ang Maynilad kung papaano sumabog ang kanilang main water pipe.
Samantala, inaabisuhan ang mga babiyahe mula Cubao sa Quezon City at Recto na maghanap na lang muna ng ibang daanan.
Sinamantala naman ng mga bata ang pagkakataon na maligo sa tubig bago ito humupa.
Kanina ay umabot sa dalawang talampakan ang taas ng tubig at posibleng sa mga susunod na araw ay huhupa na rin.