-- Advertisements --
NLEX

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta dahil isasara pansamantala ang leftmost at middle lanes sa ilalim ng Tulaoc Bridge sa North Luzon Expressway (NLEX) sa San Simon, Pampanga simula alas-6 ng gabi ngayong Sabado Setyembre 23 hanggang alas-6 ng gabi sa Setyembre 29 .

Ito ay dahil sa isasagawang elevation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng naturang expressway.

Inabisuhan din ang mga motorista na makakaranas ng mabagal na daloy ng trapiko sa may lugar sa loob ng isang linggo.

Magpapatupad naman ng counterflow system sa may southbound lanes at maglalagay ng directional signs at magpapakalat din ng traffic patrol crew sa lugar para sa maayos na daloy ng mga sasakyan.

Matatandaan na binaha ang bahagi ng Tulaoc Bridge sa NLEX dahil sa pag apaw ng Pampanga river na nagdulot ng 1.5 kilometrong haba ng mga sasakyang naipit sa traffic sa huling bahagi ng Hulyo na naranasan hanggang unang bahagi ng Agosto ng kasalukuyang taon.