Patuloy na hinihikayat ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) ang mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) na suportahan ang pagpapatupad ng Extended Producers Responsibility (EPR) Act.
Ang naturang batas ay ang nagbibigay mandato sa mga kumpanya sa buong bansa na panindigan ang kanilang responsibilidad at accountability sa kani-kanilang mga produkto.
Ito ay nagsisimula sa produksyon, paggamit, importasyon, at disposal sa mga plastic packaging.
Ang pagsuporta sa naturang batas ay nangangahulugan ng pagsuporta ng mga kumpanya sa malinis na kapaligiran nang walang nagkalat na mga plastic dahil sa produkto ng mga kumpanya sa bansa.
Hanggang nitong Setyembre 2023, umaabot na sa 709 organization sa buong bansa ang nakapagsumite ng kanilang EPR programs. Ang mga ito ay binubuo ng 248 are MSMEs, 105 enterprises, 49 collectives, at 307 producer responsibility organizations.
Naaprubahan na rin ang mga naturang programa.
Batay sa pag-aaral na ginawa ng World Bank noong 2021, nakakapaglabas ang Pilipinas ng 61,000 metriko tonelada ng mga basura kada araw. 35% dito ay napupunta sa open environment, katulad ng mga ilog at mga karagatan habang tatlong porsyento lamang ang napupunta sa mga landfill at mga garbage dump.