-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Umapela kay Aklan Governor Florencio Miraflores at Malay Mayor Frolibar Bautista ang grupo ng mga musikero sa Isla ng Boracay na payagan nang muling makatugtog upang kumita sa kanilang regular performances.

Ayon kay Michael Deniega, kinatawan ng grupo ng mga musikero sa Boracay na marami sa kanila ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagpapatupad ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa nito na ngayong isinailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Aklan, muling binuksan ang isla para sa ilang piling mga turista lalo na ang mga nagmula sa GCQ at MECQ areas.

Pinapayagan na rin ang operasyon ng mga restaurants at iba pang kainan basta may 30 porsiyentong kapasidad at nakakasunod sa health and safety protocol.

Karamihan aniya sa kanila ay kumikita sa kanilang araw-araw na gig dahilan na grabeng pahirap na matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya nang mawalan sila ng income.