KORONADAL CITY – Naghahanda na ang libu-libong mga Muslim sa buong Mindanao para sa engrandeng selebrasyon ng Eid’l Fitr sa araw ng Miyerkules, Hunyo 5.
Ito ang inihayag ni Muslim Affairs Chief Sultan Mutalib Sambuto sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Sambuto, inanunsyo na ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF na pormal na gugunitain ang opisyal na pagtatapos ng Holy Month of Ramadan.
Sinabi ni Sambuto na ang moonsighting committee sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta, ang siyang nagbigay ng hudyat sa selebrasyon.
Ang Eid’l Fitr ay espesyal na araw na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan na panahon ng pag-aayuno, pagninilay at pagdarasal ng mga Muslim.
Ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr sa loob ng tatlong araw.
Kaugnay nito, hinikaya’t ni Sambuto ang lahat na mga Muslim sa Mindanao na makilahok sa mga pagtitipon at panalangin sa mga mosque at open spaces ang Muslim Filipinos bukas.