BACOLOD CITY – Napilitang ipa-creamate nalang ng mga Muslim sa Sri Lanka ang kanilang kaanak na namatay dahil sa CoronaVirus Disease 2019 (COVID-19) kahit pa labag ito sa kanilang pananampalataya.
Una nang pinayagan ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ng libing at cremation para sa COVID-19 victims, ngunit ipinatupad ng Sri Lanka ang sapilitang pagpapa-cremate at sila ngayon ang tanging bansa na gumawa pa lang nito.
Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Ruby Sanchez sa Sri Lanka, napakahigpit aniya ng gobyerno sa nasabing bansa at sumusunod talaga ang karamihan para hindi na dadami pa ang kaso ng virus na umaabot na sa 835 at nasa siyam naman ang naitalang namatay.
Tatlo sa mga namatay ay Muslim.
Magugunitang pinuna pa ng rights groups ang compulsary cremations at nag-protesta naman ang Muslim population ngunit binalewala ito ng Sri Lanka government.