-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 368,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, may inaasahan pa na 50,000 mga Pinoy workers ang uuwi sa bansa matapos mawalan ng trabaho dahil sa health crisis.

Upang makatulong naman para makaahon sa krisis, naglaan ng one-time financial assistance na $200 o P10,000 ang DOLE sa mga apektadong OFWs.

Maliban dito, nag-alok din ang kagawaran sa mga displaced OFWs ng 21,000 trabaho mula sa iba’t ibang job sectors.

Dagdag ng kalihim, nasa 1,900 posisyon na ang napunan habang 3,000 pa ang kasalukuyang pinoproseso.