NAGA CITY- Umabot na sa 1,005 ang mga na-stranded na pasahero sa parte ng Del Gallego, Camarines Sur dulot ng Bagyong Dante.
Ayon sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD-Bicol) umabot sa 170 trucks at 99 Light Vehicles ang naabutan ng kanselasyon ng mga biyahe sa nasabing lalawigan.
Kung maalala, kahapon ng kanselahin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga biyahe papasok at palabas sa Bicol Region.
Samantala, nanatili namang passable ang mga daan sa lalawigan at wala pang naitatalang casualties dahil pa rin kay bagyong Dante.
Sa likod nito, naghatid naman ng tulong ang Philippine Coast Guard-Camarines Sur sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga na-stranded na pasahero sa Pasacao Port.
Nabatid kasi na nasa 20 ang mga pasaherong na-stranded din sa nasabing pantalan.
Sa ngayon, wala ng nakataas na typhoon warning signal sa nasabing lalawigan.