-- Advertisements --

Sang-ayon si Presidential Spokesperson Harry Roque na pagtanimin na lamang ng mga gulay ang mga naaarestong lumalabag sa lockdown.

Sinabi nito na normal lamang ang pagpapa-push ups, back walk o squats ng ilang mga violators.

Inihalimbawa nito ang ginawa sa Pampanga na ang mga violators ay pinagtatanim ng mga gulay para sila ay magtanda.

Nagbabala rin ito na hindi nila palalampasin na sampahan ng kaso ang mga otoridad na umaabuso sa kanilang tungkulin.