-- Advertisements --

May hakbang ngayong na ginagawa ang NAIA Infra Corp. (NNIC) na siyang private sector consortium at nagma-manage ngayon ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para hindi na magkaroon ng pagkaantal ang mga flights.

Base sa kanilang pag-aaral na 70 percent kasi ng dahilan ng pagkaantal ng mga flights ay dahil na ri sa mga airlines at ground handlers.

Kasama rin ditong dahilan ay ang aircraft change at rotation.

Mula ng hawakan ng NNIC ang pamumuno sa NAIA ay napababa na ang bilang ng mga delayed flights.

Handa rin aniya gumastos ang kumpanya ng P170 bilyon para maging world-class na ang NAIA.