-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ayon sa bagong datos mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 11,228 na ka mga indibidwal ang naapektuhan ng dalawang malalakas na lindol na yumanig sa New Bataan, Davao de Oro noong Marso 7, ngayong taon.
Sa nasabing ulat, nasa 2,138 pamilya o 10,368 ka mga indibidwal ang kasalukuyang nasa siyam na evacuation centers habang 16 naman na mga barangay ang apektado ng lindol.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa P6,243,150.00 ang kabuuang bilang ng humanitarian assistance na nakalaan sa Department of Social Welfare and Development habang ang stand by funds naman ay P709,455,639.38 at P480,198,672.85 ang kabuuang stockpile sa nasabing ahensya.