-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na naaresto ng pulisya ng dahil sa paglabag ng mga ito sa ipinatutupad na election gun ban ng pamahalaan.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), umakyat na sa 921 ang bilang ng mga nahuhuling mga indibidwal.

Nasa 290 dito ay nagmula sa National Capital Region (NCR), na sinundan naman ng 117 na mga naaresto sa Central Visayas, at 116 na mula naman sa Central Luzon.

Ayon sa PNP, sa kanilang isinagawang 807 na mga operasyon ay nakaaresto sila ng nasa 888 na mga sibilyan, 12 mga security guards, walong mga police personnel, at limang military personnel.

Nakumpiska mula sa mga ito ang 732 firearms, 4,563 piraso ng mga bala, at 314 deadly weapons.

Ipinagbabawal sa ilalim ng Resolution 10728 ng Commission on Elections ang pagdadala ng baril o anumang deadly weapon sa labas ng bahay, at sa lahat ng mga pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Mahaharap naman sa hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong at hindi sasailalim sa probation ang sinumang mahuling lalabag sa naturang batas.

Bukod dito ay maaari ring maharap sa disqualification sa paghawak ng pampublikong tungkulin, mawalan ng karapatan sa pagboto, at makansela o hindi na muling mapahintulutan pa ng gun license ang sinumang mapatunayang guilty ukol dito

Exempted naman sa nasabing gun ban ang mga law enforcers basta’t may authorizatrion ang mga ito mula sa Comelec at dapat na nakasuot ang mga ito ng agency-prescribed uniform habang opisyal na nanunungkulan sa panahon ng halalan.