Lomolobo pa ang bilang ng mga naaaresto ng Philippine National Police (PNP) na umaabot na sa 1,931 ang mga indibidwal na ng paglabag ng mga ito sa ipinatutupad na election gun ban ngayong panahon ng kampanya.
Sa isang statement ay sinabi ng PNP na 1,871 sa mga ito ay pawang mga sibilyan, 35 ang mga security guards, 16 na police officers, at siyam na military personnel.
Nahuli ang mga ito sa kabuuang 1,822 na mga operasyong isinagawa ng pulisya, kung saan ay nasamsam ang nasa 1,490 na mga firearms, 8,188 na mga piraso ng ammunitions, at 703 na mga deadly weapons.
Sa pinakahuling datos ay kabilang pa rin sa top five na mga rehiyon na may pinakamaraming naarestong violators ay ang National Capital Region (NCR) na may 654 violators, sinundan naman ito ng Central Visayas na may 212; Central Luzon na may 126; Calabarzon na nakapagtala ng 203 violators; at Western Visayas na may naarestong 110 na mga lumabag sa naturang batas.
Mula Enero 9 hanggang Hunyo 8 ay ipinagbabawal ang anumang pagdadala ng firearms o kahit na anong deadly weapons sa labas ng tahanan at sa lahat ng mga pampublikong lugar alinsunod sa Commission on Elections (ComeleC) Resolution No. 10728.
Haharap sa hindi bababa sa isang taon ngunit hindi rin lalagpas sa anim na taong pagkakakulong ang sinumang lalabag sa naturang kautusan at hindi rin dapat ito sumailalim sa anumang probation.
Samantala, exempted naman mula dito ang mga law enforcers ngunit kailangan na may authorization ang mga ito mula sa Comelec at nakasuot ng agency-prescribed uniform habang naka-duty sa election period.