-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga naaarestong hindi nagsusuot ng face mask mula Mayo 31 hanggang Hunyo 6.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano, karamihan sa mga naaresto nila ay nabigyan ng warning, ‘yong iba ay pinagmulta depende sa ordinansa sa ibang mga lugar habang ang iba ay pinag-community service.

Mayroong mahigit 600 ang lumabag sa pagsasagawa ng mass gatherings.

Mayroong anim na barangay opisyal naman ang sinampahan na rin ng kaso ng DILG dahil sa kapabayaan sa pagsasagawa ng mga tinatawag na superspreader events.