-- Advertisements --

Nasa 474 sa mahigit 48,000 na inmates sa pitong pasilidad sa bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Bureau of Correction (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclang na karamahin sa mga persons deprived of liberty (PDL) ay mga senior citizens.

Sa nasabing bilang 200 dito ay nasa Correctional Institution for Women (CIW) sa lungsod ng Mandaluyong, 214 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City at 60 sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte.

Wala pa rin nababakunahan sa ibang pasilidad gaya sa New Bilibid Prison.

Paliwanag pa nito na dumedepende lamang sila sa suplay at vaccination program ng mga local government unit na sumasakop sa mga pasilidad.