Pumalo na sa 4.7 milyon katao sa bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Base sa datos ng Department of Health (DOH)na mayroong 15,096,261 doses na ang naiturok sa 1,297 na active vaccination sites.
Kada araw ay mayroong average na 271,426 doses ang naituturok na mas mababa sa target ng gobyerno na 500,000 doses kada araw.
Mayroong 10,388,188 na mga indibidwal ang nabigyan na ng first dose ng bakuna na binubuo ng 1,884,059 na mga health workers, 2,760,074 na mga senior citizen, 3,440,132 na mga persons with comorbidities, 1,943,672 mga essential workers at 360,251 na mga indigents.
Mayroong 4,708,073 na ang naturukan na rin ng dalawang doses ng bakuna.
Patuloy ang panghihikayat ng DOH sa mga senior citizen na magpaturok na ng kanilang second dose.