-- Advertisements --

Aabot na sa kabuuang 43 milyong mga Filipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles na ang nasabing bilang ay mula pa noong Disyembre 16 at mayroong na ring 56 milyong mga Filipino ang nakatanggap na ng kanilang unang dose.

Mayroon na rin aniyang 1 milyong Filipino ang nakatanggap ng kanilang booster shots laban sa COVID-19.

Nangangahulugan nito na mayroon ng 55.78 percent ng target population ng bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Nauna sinabi ng gobyerno na target nilang maturukan ng COVID-19 vaccine ang 54 milyong Filipinos sa katapusan ng 2021.