Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang maraming bilang ng mga kabataan na nasasawi dahil sa COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na karamihan ngayon sa mga nadadapuan ng nasabing virus ay yung nasa edad 20 haggang 49-anyos.
Sa nasabing edad aniya ay malaki ang tsansa na sila ay namamatay.
Mas marami aniya ang bilang ngayong taon ng nasabing age grouop na nadadapuan ng COVID-19 kumpara noong nakaraang taon.
Dahil dito ay pag-uusapan nila ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease kung anong industriya ang papayagan na magpatupad na ng work from home.
Ilang health experts naman ang nagsabi na kaya dumami ang mga bata na nadadapuan ng COVID-19 ay dahil sa pagbalewala pa rin sa pagsunod na minimum health protocols.