-- Advertisements --
Umabot na sa 200,000 katao sa buong mundo ang nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa World Health Organization (WHO) mahigit 8,000 katao na rin ang nasawi matapos kapitan ng virus.
Nagpatupad na rin ang maraming bansa ng pagsasara ng kanilang border para hindi na kumalat pa ang virus.
Nagtala na rin ng unang pagkamatay matapos na madapuan ng virus ang sub-Saharan Africa sa Burkina Faso.
Kinilala ang biktima na si Rose Marie Compaore, 62-anyos na vice president ng Burkina Faso’s national assembly at siy ay mayroong diabetes.