-- Advertisements --

Nasa limang Filipino na nasa Hong Kong ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay, asymptomatic o walang sintomas ng sakit ang nagpositibong OFW.

Agad na dinala sa quarantine facility area sa Hong Kong ang mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, isa ang gumaling na sa nasabing sakit.

Patuloy namang sinusubaybayan ng DFA ang kalagayan ng mga Filipino para sa paggaling ng mga ito.