-- Advertisements --

Itinuturing ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na mga “Souvenirs” lamang ang mga natagpuang Chinese military uniform na nakita sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub sa Pampanga.

Sinabi ni CIDG chief , Police Major. General Leo Francisco, na ito ay souvenir na isinusuot ng mga Chinese nationals sa Porac POGO hub.

Hindi rin sila tumitigil na nangangalap ng mga impormasyon ukol sa mga nakuhang gamit.

Magugunitang natagpuan ang mga uniporme ng Chinese military sa mga sinalakay ng mga otoridad na POGO hub sa Pampanga.