-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi makakaapekto sa kanilang imahe ang mga naitalang anomalya sa kanilang hanay.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, isolated cases lamang aniya ang mga insidenteng ito at hindi makakasira sa reputasyon bilang isang military organization.

Ang mga nabunyag na anomalya ay hindi umano repleksyon ng buong AFP kundi ng ilang mga indibidwal lamang na mga tiwali.

Paliwanag pa ni Arevalo ang pagkakadiskubre sa mga anomalya at patunay na hindi nila kinukunsinti ang anumang klase ng korupsiyon.

Siniguro nito na transparent ang militar sa lahat kaya inilalabas nila ang mga ganitong anomalya

Una nang inihayag ni AFP chief Gen. Carlito Galvez na siya ay nalulungkot sa nangyari, lalo na sa AFP Health Service Command at V. Luna Medical Center.

Sinundan nito ang tuluyang pagkakatanggal sa serbisyo kay Lt Col. Hector Maraña na dating Comptroller ng PMA.

Batay sa hatol ng General Court Martial, guilty si Maraña sa pag lustay sa nasa P15-milyong pondo ng mga kadete ng akademya.