Umaabot na sa halos 100,000 na mga nag-apply bilang benipesaryo ng “Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program” ng gobyerno.
Sinabi ni National Housing Authority (NHA) general manager at BP2 executive director Marcelino Escalada Jr., mayroon na silang go-signal kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang programa sa Hulyo.
Aniya, pansamantala lamang ito itinigil ngayong buwan para bigyang prayoridad ang locally stranded individuals.
Sinabi pa ni Escalada na prayoridad nila sa programa ay ang nag-apply na nanggaling sa National Capital Region (NCR).
Nais kasi ng gobyerno na ma-decongest ang populasyon ng NCR .
Nanguna naman ang Leyte sa mga probinsiya na may maraming nag-apply ng nasabing programa na sinusundan ng Camarines Sur at Zamboanga del Norte.