-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umakyat na sa 57 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP)-Iloilo City District Jail Male Dormitory.

Sa 57 na kaso, 39 ang inmate at 18 ang mga personnel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jail Supt. Gilbert Peremne, deputy regional director for administration ng BJMP-Region 6, sinabi nito na nasa isolation facility na ang mga pasyente at nananatiling asymptomatic maliban lang sa isang personnel na nananatili sa Western Visayas Sanitarium.

Ang mga jail officers na nagnegatibo sa swab test ay patuloy sa pagtrabaho at nakasuot ng Personal Protective Equipment.