CAUAYAN CITY- Nilinaw ng dating Pangulo ng Integrated Bar of the Phils. (IBP) na ang mga campaign materials na pagbibigay suporta at mga campaign paraphernalia anuman ang size na nasa loob ng private property ay hindi dapat pakialaman ng mga kawani ng COMELEC at PNP.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo Cayosa, dating IBP President na `marapat lamang na mangibabaw ang saligang batas at omnibus election code sa pagsamsam sa mga campaign materials
Batay anya sa final decision ng korte suprema, may kapangyarihan ang COMELEC, PNP at pamahalaan na magsamsam ng mga campaign materials na inilalagay sa mga public places tulad ng mga lansangan, poste ng kuryente, mga public parks at iba pa.
Ang mga campaign materials ay mayroon ding dapat sundin ang mga maximum sizes ng mga posters.
Ngunit nilinaw ni Atty. Cayosa na ang mga campaign materials na pagbibigay suporta at mga campaign paraphernalia anuman ang size kung nasa loob ng private property ay hindi dapat pakialaman ng COMELEC at PNP.
Ito ay matapos ihayag ng Korte Suprema na bahagi ito ng freedom of expression.
Ang constitutional rights o karapatang pantao ng bawat mamamayan na malayang maghayag ng kanyang kaisipan sa pamamagitan ng pananalita, aksiyon maging ang paglalagay ng mga posters at tarpauline ng mga sinusuportahang kandidato ay may mataas na level .
Malinaw anya na mali ang mga ginagawa ng PNP at COMELEC na pinapasok ang mga private property para tanggalin ang mga tarpauline at porters dahil maari silang masampahan ng civil damages, masampahan ng kasong paglabag sa constitutional rights at anti-graft and corrupt practices Act o abuse of authority.
Maituturing din anyang private property ang mga nakakabit na posters sa isang tanggapan o bahay kahit nakikita sa daan.