-- Advertisements --

Nagbabala si National Parks Development Committee Executive Director Penelope Belmonte na ipinagbabawal sa Luneta, Manila ang pagbebenta ng bandila ng ibang bansa sa naturang parke.

Pahayag ito ni Belmonte matapos maaktuhan ang limang vendor noong weekend na pawang naglalako ng Chinese flag.

Ikinagalit ito ng ilang nakakita sa pangyayari, kaya ipinatawag ng park official ang mga iyon para sermonan.

Sinasabing may nagbagsak ng mga bandila sa kanila at nag-iwan pa ng bayad.

Ayon kay Belmonte, nakakadismaya dahil ginagawa ito sa mismong Rizal Park at wala rin namang okasyon na mag-uugnay sa China o iba pang bansa para maging rason ng ganitong aktibidad.

Karaniwan kasing may ibang watawat sa ilang lugar kapag United Nations (UN) event o may dumarating na foreign leaders.