Tinutukoy na ngayon ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) ang mga kasamahan ng apat na naarestong pulis Makati dahil sa pagdukot sa apat na indibidwal nuong Martes at hiningan pa ng P400,000 kapalit ng kanilaang kalayaan.
Ayon kay CITF chief Col. Jose Chiquito Malayo may isinasagawa na silang follow up operations ukol dito at kasalukuyang naglunsda na sila ng manhunt operations laban sa apat pang iba na at large sa ngayon.
” Walo yung grupo, apat lang nahuli, may hinahabol pa tayong apat na kasamahan nila,” wika ni Malayo.
Kahapon kinasuhan na ng kidnapping ang apat na pulis na kasalukuyang nakakulong sa CITF detention facility sa Kampo Crame.
Tinitignan din ng CITF ang posibleng anggulo na marami na rin nabiktima ang mga nasabing pulis.
Hinikayat ni Malayo ang mga naging biktima ng apat na pulis na lumantad at magsampa ng kaso laban sa mga ito.