Nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa Department of Human Settlements and Urban Development ang mga naging biktima ng sunog sa Isla, Barangay Batis sa San Juan City.
Dahil sa natirang insidente , aabot sa 106 na pamilya ang nawalang ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Ang naturang tulong pinansyal ay sa ilalim ng Integrated Disaster Assistance Program Phase 1 ng kanilang ahensya.
Bawat biktimang pamilya ay nakatanggap ng tig ₱15,000 na halaga ng tulong pinansyal na labis naman na ipinagpasalamat ng mga ito.
Ayon kay DHSUD Undersecretary Randy Escolango, ang naturang tulong ay kauna unahang ipinamahagi sa San Juan City.
Plano rin ng lokal na pamahalaan ng San Juan na nagtatayo sila ng prefabricated homes para sa mga biktima ng sunod.
Hinikayat rin nito ang mga pamilyang kwalipikado na mag sumite ng kanilang aplikasyon para sa nasabing programa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alklade sa ahensya dahil sa kanilang ipinaabot na suporta.