DAVAO CITY – Patuloy ngayon na nadagdagan ang bilang ng mga nagka-diarrhea sa ilang mga barangay ng Caraga Davao Oriental.
Sa huling datus na inilabas ni Dr. Chris Anthony Limen, Municipal Health officer sa lalawigan, aabot na ngayon sa 426 ang bilang ng mga nagka-diarrhea sa lugar.
Pinakamarami pa rin ang naitala sa Brgy. Santiago na nasa 417, tig-dalawa sa Barangay San Miguel, Brgy. San Jose at sa Brgy. PM Sobrecarey.
Habang tig-isang kaso naman sa Brgy. Poblacion, Brgy. T. Pichon, at Brgy. DL Balante.
Sa nasabing bilang, aabot sa 30 mga kaso sa mga pasyente na may edad 60 anyos pataas; nasa 156 ang 15 anyos pababa habang 240 sa mga nag-edad ng 16 hanggang 59 anyos.
Sa kasalukuyan may pinadala ng mga medical supplies at IV fluids sa lugar at iba pang pangangailangan ng mga pasyente.
Hinihintay pa ngayon ang iba pang resulta ng rectal exam sa ilang mga pasyente.
Kung maalala ang tubig na iniinom ng mga residente sa lugar ang itinuturong dahilan ng outbreak dahil kontaminado ito ng cholera na siyang dahilan ng outbreal sa lugar.
Ilan sa mga pasyente ang nasa kanilang mga bahay lamang ngunit patuloy pa itong minomonitor habang ang iba ay isinugod sa ospital dahil sa dehydration.