-- Advertisements --

Naayos na ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ang nangyaring data breach sa ilang mga Easytrip toll wallet balance.

Ayon sa kumpanya na nakaranas ang ilang mga motorista ng pagkawala ng kanilang balanse nitong gabi ng Sabado, Setyembre 7.

Mabilis naman na naayos ng kanilang security ang nasabing problema.

Naniniwala sila na ang ilang mga user accounts nila ay maaring na-accessed at posibleng nakompromiso.

Pagtitiyak nila na hindi na mauulit pa ang nasabing insidente.

Ang MPTC kasi ang nag-o-operate sa NLEX, SCTEX, CAVITEX at ibang mga tollways.