-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sobrang saya ng mga residente ng Datu Montawal, Maguindanao maliban kasi sa nabakunahan sila ay nakatanggap pa ng food packs mula sa lokal na pamahalaan.

Inabot mismo ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal, Vice-Mayor Datu Vicman Montawal at mga kawani ng LGU ang ayuda sa mga nabakunahan kontra Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito’y pasasalamat ng LGU kasama ang unang ginang ng bayan na si Bai Kristel Montawal sa tugon ng taumbayan sa kanilang panawagan na magpabakuna.

Noong una ay may mga agam-agam ang mga residente ng Datu Montawal sa pagpapabakuna dahil sa mga negatibong nakikita nila sa social media at naririnig sa kanilang mga kapitbahay ngunit ngayon ay unti-unti ng nababago ang kanilang pananaw.

Nakita mismo ng mamamayan na nagpabakuna ang kanilang mga lider ng bayan lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya nawala ang kanilang agam-agam.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ang health protocols sa bayan ng Datu Montawal kontra COVD-19.