-- Advertisements --

CAUAYAN CITY -Ramdam ngayon ng mga gumagawa ng lapida sa Cauayan City ang epekto ng COVID-19 sa kanilang negosyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Alma Enriquez, gumagawa ng Lapida na sa ngayon ay bibihira pa rin ang nagpapagawa sa kanila ng lapida habang papalapit ang araw ng mga patay.

Sa ganitong panahon noon na walang pandemya ay marami na ang nagpapagawa sa kanila ng lapida.

Marahil anya ay nagtitipid na ang mga mamamayan dahil sa walang kita ngayong pandemya.

Umaasa sila na sa mga susunod na araw habang papalapit ang araw ng mga patay ay mayroon nang magpapagawa ng lapida.

Samantala, suportado naman niya ang hakbang ng pamahalaan na pigilan ang mga mamamayan na magtungo sa mga sementeryo sa araw mismo ng mga patay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.